Busy with baking.
Needs to get some sleep tonight. No baking.
But a part of me wants to try this chocolate brownie recipe.
Bahala na si batman!
It's the start of the long weekend. Im thinking of what will I bake for these days.
Since my son requested for a brownie, i started my Saturday with this.
Later, or maybe tomorrow, i'll try to bake some cookies.
Labels: Food
Matagal tagal na din akong hindi sumusulat sa blog na ito.
Ang rason?
Una, dahil sa Facebook.
Pangalawa, dahil sa mga kung anu-anong eksperimento ko sa kusina. Magluto ng kung anu-ano. Refrigerated cake, puto, banana bread, gumawa ng mga tsokolate na lollipop (sabi nila na Php5.00 hanggang 10.00 ang bentahan nun) at marami pang iba.
Malapit lapit na din ang pasko. Puwede ko ito pagkakitaan (yung pagluluto at hindi yung facebook, ;p)
Lagi na lang may nakakatuwang eksena kapag sumasakay ako dun. Kagaya kanina sa may Cubao station.
Female passenger 1: gaga ka! bakit ba usog ka ng usog!
Female Passenger 2: e mas gaga ka pa la! Nakita mo na may mga sumasakay.
F1: umaayos-ayos ka nga ng pwesto. Nananadya ka ata e.
F2: arte mo. gaga
F1: mas gaga ka.
F2: mas maarte ka, magtaxi ka na lang.
F1: ikaw ang magtaxi!
... and so on and so forth...
Yung ibang mga pasahero, natatawa na lang. Yung iba naman, sinasabihan sila na "magtaxi na lang kayo, pareho kayong maarte" or "bumili kayo ng sarili ninyong MRT para kayo lang ang nakasakay" meron din nagsabi na "ano ba, ang ingay ingay niyo, natutulog ako... heto at nagising tuloy ako sa dakdakan ninyong dalawa!"
Ako, kasama sa mga natawa at napapailing. Konting sakripisyo lang kasi parepareho lang kaming pasahero. To think na sa coach ng Female kami nakasakay. Sus. Pinoy nga naman. Kasi naman maluwag luwag pa din sa may gitna, sa may pintuan sila nag sisiksikan.