Since it's summer and the heat of the sun is unbearable even for the eyes, I need to have one... Not exactly like the above photo, but one that will look good on me, and not that pricey since I will not be using it all the time :)
Heto ang akin pinagkakaabalahan basahin sa ngayon. Aktwali, yung Para kay B pa lang ang nauumpisahan ko basahin. Nakakaaliw. Para sa mga umiibig... Can relate ba ako? Siguro sa mga ibang punto ng nobela. Yung Brida ni Paulo Coelho, hindi ko pa nalalagyan ng cover. Yes, yung mga aklat (sabi kasi ng mga kamag-aral ko noong kolehiyo ako, aklat daw at hindi libro ang dapat gamitin sa tagalog ng book. Nyemas, e nasanay ako sa libro... sige, book na lang) na binibili ko (for recreation ika nga) nilalagyan ko yan ng plastic cover. With matching date (minsan man oras pa nga) kung kailan ko binili. Sentimental reason.Sa ibang topic naman, may nabasa ako sa isang website na nagbebenta ... "prices will vary DEFENDING on your request..." ala lang, share ko lang.
Have a wonderful and productive Monday!
Labels: Books
My life is in slow motion today.
I take pleasure in every detail that I see.
And I am loving it.
Tomorrow may not be like this.
Labels: Life
Sick leave. Yan ang dahilan ko kung bakit ako hindi makakapasok sa trabaho ngayon. Natuluyan na ang aking sipon. Nagkarun na din ako ng ubo. Medyo hirap na din ako sa aking paghinga kaya uminom na ako ng gamot para sa hika. Mukhang mapopostpone ang aking lakad sa Linggo papunta divisoria. Next week na lang. Magtutulog na lang muna ako ngayon.
Labels: Sick
Hirap huminga. Bahing dito, bahing doon. Ubos na ang tissue at masakit na din ang ilong ko sa kaka singa. Rest daw and kailangan sa mga ganito. E paano ako magrerest kung isang damakmak pa ang gagawin ko. Tapos may mga nagtatax mapping pa. Malamang mamaya sa pag-uwi ko, nebulizer na ang nakasalpak sa mukha ko. Hay. Huwag naman sana.
Labels: Sick
Subscribe to:
Posts (Atom)


