Posted by
jho
on
Tuesday, March 13, 2007
Last night as i was about to cross the street going to the village where i live, a teenage girl with 2 more little girls in tow (around 3-4 years old) approached me...
Girl: ate, may masasakyan ba dito papuntang alabang o bicutan?
Me: meron, tumawid kayo dun sa kabila at magantay ng bus (pointing at the direction)
Girl: saan? doon? (then bigla siyang lumakad ng konti at huminto, eh may mga dumadaan na mga sasakyan)
Me: oo doon, tatawid ka. Tumabi ka muna at baka masagasaan ka. (sumunod naman siya)
Girl: doon ba ate? doon? (sabay turo doon sa direction na sinasabi ko)
Me: (tumango na lang ako)
Then silence...
Girl: Ate pahingi naman pamasahe
Me: Pasensiya ka na, wala akong pera (sabi na nga ba at bottomline ay ito)
Girl: Para dito sa dalawang bata
Me: (umiling na lang ako)
Girl: 5 pesos ate
Me: (iling uli)
Girl: 2 pesos ate
Me: (napakunot na ang noo ko, sabay iling uli)
Silence uli
Girl: ate, ang ganda mo (then she walked away with the little girls)
As i was crossing the street, i can't help but think, dapat ko nga ba silang bigyan ng hinihingi nilang pamasahe? Am I bad kasi hindi ko sila nabigyan? Kung bibigyan ko sila, kailangan ko pa buksan ang bag ko para kumuha ng pera sa wallet (e mya naman ma-snatch yung wallet at bag ko). May pera ako sa bulsa pero medyo malaki-laki ang denomination nun. Kaya i decided na sabihin na "pasensiya na, wala akong pera".
In another instance, yung mga namamalimos sa Maynila. Hanap-buhay na ata nila yun. At gumagamit pa ng bata. Minsan, may binigyan kami na untouched softdinks sa teenager na may akay na bata (around 2 years old), then yung bata, inaagaw yung softdink, tinampal ba naman nun teenager! nagulat ako. Ang sama naman niya (yung teenager).
Then dun naman sa may Intramuros area, before may mga handicapped na naghihingi ng limos (may kasama silang nag-aalalay sa kanila). Halos everyday ay andoon sila. Though hindi namin ito binibigyan.
I pity the children, their parents are using them to ask for alms while the parents are just sitting in the corner of a street either talking with other parents or eating or sleeping, much worse, nagra-rugby. At kund wala pang naibigay, pagagalitan. Minsan gusto ko magbigay pero inisip ko, bakit sila ang dapat gumawa nito. Saan naman kaya nila gagamitin ang pera. Buti sana kung makikita ko na ibinili nila nang pagkain.
Paano mo ba malalaman kung raket ba talaga o totoo yung panghinhingi ng limos ng tao?