pArk-in-the-making

on Sunday, January 28, 2007

Matagal tagal na din ako nakatira dito sa village na ito, mula pagkabata ko hanggang sa nakapag-asawa at nagkaanak ako, ay andito pa rin ako. Marami nang nagbago, at isa sa mga pagbabago na napansin ko ay ito.



Yan yun sa may basketball-volleyball (actually, hindi ko nakuhanan ng mabuti yung basketball area) sa village na tinitirahan ko.. May playground din for the kids... What i heard ay well lighted na yan sa gabi kaya hindi na nakakatakot dumaan.

Honestly, ngayon ko lang na-appreciate yung lugar na iyan. Gumada na kasi.

Foot Spa

on Saturday, January 27, 2007


Binigyan ko ng treat ang aking mga paa. Nagpafootspa and pedicure ako kanina. I usually do that every 2-3 weeks. Since wala na kaming uniform sa office, nasanay na ako na open-toe sandals ang laging sinusuot at syempre, dapat presentable pati ang mga paa ko...

deSpeRate HouSewiVes

on Monday, January 22, 2007

Sa ngayon, eto ang aking kinalolokohang panoorin... ang Desperate Housewives. I bought yung Season 1-3 nya.

I started watching Season 1 last Saturday afternoon hanggang around 10pm, then noong sunday from 1pm-9pm. At as of this writing, hindi ko pa natatapos yung Season 1. Dami pala episode nun (obvious ba na ngayon lang talaga napanood).

Maganda naman pala. Marami kang mapupulot na aral tungkol sa family relations, love, parenting, friendship, how to deal with neighbors, tragedy...

Bukas, i'm planning to finish the Season 1. Then start with Season 2...

Queue

on Sunday, January 14, 2007

Isa ako sa nakapila yesterday sa ATM machine. Medyo mahaba na yung line pero sige, nagtiyaga ako. Inisip ko, mabilis naman ito kasi 2 atm machine yung gumagana.

Aba, around 30 minutes yata akong nakapila! Napansin ko ang mga sumusunod:

1. Yung iba, may kasama na friend, asawa, anak, etc. sa loob ng booth. Ok lang naman sana yun, pero yung iba kwentuhan muna ang ginagawa or nagsasaway ng mga batang pasaway. E pano ba bibilis yung transaction nila dun kung ganun ginagawa nila????

2. Yung iba, first time ata gumamit ng ATM machine. Nagpipin na agad ng PIN number nila e hindi naman yun ang instruction dun sa machine. O napakatagal nilang magdecide which transaction or which amount yung pipindutin nila, hayun, kailangan nilang ulitin sa umpisa yung transaction.

3. May 5/6 business ata yung iba, kasi isang katerbang ATM card ang hawak.

4. Yung iba naman, ewan ko ba, pagkatapos nila gamitin yung isang machine, lalapitan yung isang machine (na may gumagamit pa) at dun naman magwiwidraw! Asus naman. Pareho lang naman ang ididispens na pera nun!

5. Lastly, may magsyota na nakapila ahead sa akin. Aba, mega PDA talaga! It's not because I'm against PDA, pero yung sila na yung susunod at puro lampungan pa yung ginagawa nila, kakainit talaga ng ulo! What I did (kasi nga nagmamadali akong umuwi), nilapitan ko at sinabihan na sila na yung pwedeng gumamamit nung machine.

My first post for 2007 (tagged by Cess)

on Wednesday, January 10, 2007

10 Things I will never do.


1. I will never sing in public.

Period! I will never ever forget that high school duet singing contest… It haunts me like crazy!!!! Cess, you know what I’m talking about….

2. I will never have my medicine cabinet at home go “out-of-stock”.

It’s really hard yung kung kailan mo kailangan yung gamot, dun mo marerealize na wala ka palang stock nun sa bahay at maghahanap ka pa ng bukas na drugstore para bumili. Sayang yung oras.

3. I will never flaunt anything of value in public.

I remember when I had my very first mobile phone, hayun I was texting somebody dun sa may Quiapo when all of a sudden may 3 guys na biglang may itinutok sa tagiliran ko at kinuha yung phone ko. Another incident was when I was still in college, I was wearing this necklace that my Mom gave me. May sentimental value pa yun sa kanya. I was inside a jeepney with a classmate, tapos noong nasa tapat kami ng UST, may biglang kumalabit sa akin sa batok ko (naka ponytail yung hair ko that time), napalingon ako then dun ko napansin na wala na yung necklace.


4. I will never smoke or even try to smoke

Asthmatic ako. And besides, napakabaho ng amoy ng tao kapag nagsmoke sila.

5. I will never accept invitations from companies who are asking you to avail their loans.

I have this officemate na pinatulan yung Citifinancial. Hayun, nagkakandahirap magbayad.

6. I will never have my hair done in most beauty parlors.

I’m a David’s loyalist.

7. I will never eat anything that is made of Durian.

When I was still a kid my dad used to bring those fruits (bigay kasi ng client). Hay naku, the smell would fill the whole house. Hindi carry ng powers ko yung smell. Kahit anong alok nila at enganyo na masarap yung durian, hinding hindi talaga ako kakain nun.

8. I will never go tired of volleyball.

The only sport that I know by heart…

9. I will never be a “Princess Sarah” to some people

2007 na. Enough is enough. Kung dapat barahin at taasan ng kilay, gagawin ko na!!!!

10. I will never do my grocery on a weekly basis.

Nakakapagod kaya yun at nakakasawa na every Saturday ay nakikita ko ang Supermarket. Now I’ll do it twice or once a month.

I'm tagging: Liz, Bambi, Hazel.