Matagal tagal na din akong hindi sumusulat sa blog na ito.
Ang rason?
Una, dahil sa Facebook.
Pangalawa, dahil sa mga kung anu-anong eksperimento ko sa kusina. Magluto ng kung anu-ano. Refrigerated cake, puto, banana bread, gumawa ng mga tsokolate na lollipop (sabi nila na Php5.00 hanggang 10.00 ang bentahan nun) at marami pang iba.
Malapit lapit na din ang pasko. Puwede ko ito pagkakitaan (yung pagluluto at hindi yung facebook, ;p)
Lagi na lang may nakakatuwang eksena kapag sumasakay ako dun. Kagaya kanina sa may Cubao station.
Female passenger 1: gaga ka! bakit ba usog ka ng usog!
Female Passenger 2: e mas gaga ka pa la! Nakita mo na may mga sumasakay.
F1: umaayos-ayos ka nga ng pwesto. Nananadya ka ata e.
F2: arte mo. gaga
F1: mas gaga ka.
F2: mas maarte ka, magtaxi ka na lang.
F1: ikaw ang magtaxi!
... and so on and so forth...
Yung ibang mga pasahero, natatawa na lang. Yung iba naman, sinasabihan sila na "magtaxi na lang kayo, pareho kayong maarte" or "bumili kayo ng sarili ninyong MRT para kayo lang ang nakasakay" meron din nagsabi na "ano ba, ang ingay ingay niyo, natutulog ako... heto at nagising tuloy ako sa dakdakan ninyong dalawa!"
Ako, kasama sa mga natawa at napapailing. Konting sakripisyo lang kasi parepareho lang kaming pasahero. To think na sa coach ng Female kami nakasakay. Sus. Pinoy nga naman. Kasi naman maluwag luwag pa din sa may gitna, sa may pintuan sila nag sisiksikan.
Hello E-Series!

I still have to get used to your QWERTY pad though.
Labels: gadget
And today marks the day that I cannot remember where I placed my eyeglasses! Darn. Don't ask me how. Hindi ko din alam. Basta ang alam ko suot ko siya kahapon when i went out malling. This morning, when we are going to hear mass, i cannot find it anymore. Must have left it sa isa sa mga fitting rooms ng boutique na pinuntahan ko. Or must have dropped it when i went to the car to get an umbrella. Kasi when we are were about to go home, it rained. How did i dropped it? I don't know, maybe tinanggal ko (kasi nga hirap din yung umuulan tapos pahid ka ng pahid sa salamin mo) at inilagay sa car seat tapos natabig ko. i just don't know. Magulo ang isipan ko sa kakaisip kung saan ko naiwan or nahulog yung salamin ko. Paano na ito bukas pag pasok ko? Isip isip. Uminom dapat ng Enervon Prime of mag take ng Memory enhancer na vitamins. :)) Susme, bata ko pa ata para dun.
