Isa ako sa nakapila yesterday sa ATM machine. Medyo mahaba na yung line pero sige, nagtiyaga ako. Inisip ko, mabilis naman ito kasi 2 atm machine yung gumagana.
Aba, around 30 minutes yata akong nakapila! Napansin ko ang mga sumusunod:
1. Yung iba, may kasama na friend, asawa, anak, etc. sa loob ng booth. Ok lang naman sana yun, pero yung iba kwentuhan muna ang ginagawa or nagsasaway ng mga batang pasaway. E pano ba bibilis yung transaction nila dun kung ganun ginagawa nila????
2. Yung iba, first time ata gumamit ng ATM machine. Nagpipin na agad ng PIN number nila e hindi naman yun ang instruction dun sa machine. O napakatagal nilang magdecide which transaction or which amount yung pipindutin nila, hayun, kailangan nilang ulitin sa umpisa yung transaction.
3. May 5/6 business ata yung iba, kasi isang katerbang ATM card ang hawak.
4. Yung iba naman, ewan ko ba, pagkatapos nila gamitin yung isang machine, lalapitan yung isang machine (na may gumagamit pa) at dun naman magwiwidraw! Asus naman. Pareho lang naman ang ididispens na pera nun!
5. Lastly, may magsyota na nakapila ahead sa akin. Aba, mega PDA talaga! It's not because I'm against PDA, pero yung sila na yung susunod at puro lampungan pa yung ginagawa nila, kakainit talaga ng ulo! What I did (kasi nga nagmamadali akong umuwi), nilapitan ko at sinabihan na sila na yung pwedeng gumamamit nung machine.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
I have a story about ATM.
Nakapila daw yung friend ko sa ATM then yung lalaki sa unahan nya ang tagal di mapakali, then naiinip na sila kaya napilitang umalis yung lalaki pero palingon-lingon daw. Paglapit pa lang ng friend ko sa ATM ay may bigla raw lumabas na P5000 sa ATM, gulat sya kasi wala pa syang ginagalaw. Hinabol nya yung lalaki at tinanong, kanya nga raw yung pera at kaya di makaalis-alis ay nagtataka bakit walang lumabas na pera sa kanya.
Pagbalik daw ng friend ko sa ATM ang haba ulit ng pila, balik sya sa dulo pero oks lang daw dahil magaan ang feeling nya at nakagawa sya ng mabuti.
Post a Comment