Last night as i was about to cross the street going to the village where i live, a teenage girl with 2 more little girls in tow (around 3-4 years old) approached me...
Girl: ate, may masasakyan ba dito papuntang alabang o bicutan?
Me: meron, tumawid kayo dun sa kabila at magantay ng bus (pointing at the direction)
Girl: saan? doon? (then bigla siyang lumakad ng konti at huminto, eh may mga dumadaan na mga sasakyan)
Me: oo doon, tatawid ka. Tumabi ka muna at baka masagasaan ka. (sumunod naman siya)
Girl: doon ba ate? doon? (sabay turo doon sa direction na sinasabi ko)
Me: (tumango na lang ako)
Then silence...
Girl: Ate pahingi naman pamasahe
Me: Pasensiya ka na, wala akong pera (sabi na nga ba at bottomline ay ito)
Girl: Para dito sa dalawang bata
Me: (umiling na lang ako)
Girl: 5 pesos ate
Me: (iling uli)
Girl: 2 pesos ate
Me: (napakunot na ang noo ko, sabay iling uli)
Silence uli
Girl: ate, ang ganda mo (then she walked away with the little girls)
As i was crossing the street, i can't help but think, dapat ko nga ba silang bigyan ng hinihingi nilang pamasahe? Am I bad kasi hindi ko sila nabigyan? Kung bibigyan ko sila, kailangan ko pa buksan ang bag ko para kumuha ng pera sa wallet (e mya naman ma-snatch yung wallet at bag ko). May pera ako sa bulsa pero medyo malaki-laki ang denomination nun. Kaya i decided na sabihin na "pasensiya na, wala akong pera".
In another instance, yung mga namamalimos sa Maynila. Hanap-buhay na ata nila yun. At gumagamit pa ng bata. Minsan, may binigyan kami na untouched softdinks sa teenager na may akay na bata (around 2 years old), then yung bata, inaagaw yung softdink, tinampal ba naman nun teenager! nagulat ako. Ang sama naman niya (yung teenager).
Then dun naman sa may Intramuros area, before may mga handicapped na naghihingi ng limos (may kasama silang nag-aalalay sa kanila). Halos everyday ay andoon sila. Though hindi namin ito binibigyan.
I pity the children, their parents are using them to ask for alms while the parents are just sitting in the corner of a street either talking with other parents or eating or sleeping, much worse, nagra-rugby. At kund wala pang naibigay, pagagalitan. Minsan gusto ko magbigay pero inisip ko, bakit sila ang dapat gumawa nito. Saan naman kaya nila gagamitin ang pera. Buti sana kung makikita ko na ibinili nila nang pagkain.
Paano mo ba malalaman kung raket ba talaga o totoo yung panghinhingi ng limos ng tao?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
base sa kwento mo isa yung girl sa napakaraming tao na nabubuhay dahil sa panghihingi hindi dahil sa kailangan nila kundi dahil yun lang ang alam nila para magkapera, pwedeng para sa sarili o para sa isang sindikato kasi diba bakit magrereak ng "ang ganda mo ate" nung hindi mo binigyan? parang kawatan diba?
may nawawala na naman daw bata sa bandang antipolo yata tatlong magkakapatid ang pinakamatanda ay 12 at ang pinakabata ay 5, madalas daw mawalan ng mga bata dun tapos ginagawang pulubi ng mga kumukuha sa Cubao, sabi yan ng isang batang nakatakas dun sa sindikato
ate, bakit di mo nabigyan e maganda ka naman daw... :D
may mga ganyan nga, pero sa karanasan ko every saturday papunta ng UN ave, di ko na yun iniisp kundi para sa mga bata, sa murang edad, danas na nila ang hirap at di ko naranasan yun, mapalad sila di dahil naghihirap kundi, yung may mga taong nagsusumikap din na tulungan sila, masisisi ba natin sila kung naging ganyan takbo ng isip nila? masasabi ba natin na tamad sila kung di sila nabigyan ng pagkakataong magtrabaho? mahirap spelling-in, pero ganyan ang buhay, may mga inhustiya.....
melai, true, parang nakakaloko yung at the end ay sasabihan ka nang ganun.
brVince - what i could offer is prayer. Minsan, kapag may nakikita akong less fortunate (kaysa sa akin), i would offer a silent prayer, asked the one Above to lighten the load of the person.
Last vacation sa pinas nagulat ako sa bayan namin sa dami ng mga batang namamalimos. Pag binigyan mo yung isa susugurin ka ng 20 bata yata yun. Pero mas madalas kong bumibili ng sampaguita sa mga batang nagtitinda then di ko na kinukuha yung sukli. Mas gusto ko silang bigyan dahil nakikita ko yung pagsisikap nila kesa sa ibang bata na hingi lang nang hingi.
ann- korek ka diyan, Mas masarap pa talagang bigyan yung mga taong kahit papaano ay nakikita mo na nagsusumikap na maghanap-buhay.
raket walang duda. marami na ring sumubok sa akin nyan, and i admit there were 2 occassions i was fooled into giving something. iniisip ko na lang it's better to give than to receive :)
nasubukan nyo na bang yayain at kumbinsihin ang batang namamalimos na sa inyo nalang tumira para di na sya magugutuman? sinubukan namin yan ng ate ko.. nanghihingi sya ng piso, pero hindi namin binigyan..sabi lang ng ate ko, sama ka nalang sa amin para makakain ka ng masarap at makapaligo ka na rin..sa amin ka nalang tumira... sabay ba naman takbo palayo nung bata! biglang natakot. napaisip tuloy kami..siguro may nagbabantay or nagmamasid sa kanila? kakaawa..kakalungkot.
mula nun, pag may nagpapalimos sa akin, niyayaya ko sa amin, wala ni isang naglakas loob na sumama sa akin! ha.ha. tsaka bigla silang lalayo. hindi na nangungulit.. subukan nyo kaya?
Post a Comment