e.r.

on Wednesday, November 14, 2007



The call came at around 5:30pm.

Me: hello.
Mom: Nasa San ______ kami.
Me: Bakit? Sino?
Mom: Si Kulot (my youngest, aged 5) nasa e.r.
Me: What! Anong nangyari?
Mom: Nakikipag karera sa kuya niya ng bisikleta... Sumemplang, 4 stitches yung inabot nun chin niya.
Me: ano???!!!! Sino kasama sa labas ng bahay?
Mom: malapit na din kami umalis, injection-an na lang siya ng anti-tetanus.
Me: Sige.
---end of call ----

Phone call sa bahay.
Me: Hello.
Daughter: hello ma
M: anong nangyari kay kulot?
D: sumemplang po sa bike. Kasi niyaya siya ni mico magkarera
M: bakit lumabas ng bahay?
D: kasi niyaya ni ate R (yung yaya), magpapaload daw kasi siya
M: asan si R nun sumemplang si kulot? Anong ginawa niya?
D: Wala po. Kasi nagtetext po.
M: sige.
---end of call ---

When I got home nakakunot na ang noo ko. I told the yaya na "kung hindi mo kayang magpaload mag-isa, huwag ka nang magpaload! Kapag may nangyari sa mga bata IKAW ang mananagot sa akin!" Defensive si yaya. Iba ang sinasabi niya versus sa sinasabi ng kids ko. I asked all of my kids (hindi sabay-sabay to check yung consistency ng kwento nila) kung ano ang nangyari, nasan ang yaya, bakit sila nasa labas, ano ang ginagawa ng yaya. All of them told the same thing, walang ginawa si yaya, nagtetext, at hindi tinulungan yung youngest ko. Yung youngest ko pa ang tumayo at pumunta sa yaya! My other kids? Well, tinawag nila ang lolo at lola nila to tell them what happened.

Hay, kailangan ko na mahanap yung nagpasok sa amin kay yaya at ipapauwi ko na sa kanila. Baka siya ang isubsob ko sa kalsada.

9 comments:

Bambi said...

haay, good help is hard to find. i hope your son gets better soon and that you find a really qualified yaya.

Anonymous said...

i hope ok na ang anak mo. mawawala din yan. i have a niece who got 4 stitches sa chin din, she was around 5yo that time, yon naman nalaglag from the kitchen counter. ewan bakit siya andon. she;s now 12,as far as i can tell, di na kita yung stitches niya.

mahirap talaga kumuha ng maayos na yaya. maigi nga ang desisyon mo to let her go, kasi irresponsible na, sinungaling pa.

kaye said...

hay..pati naman ako na high blood aysus!it's really hard talaga.hanap ka na ng bagong yaya ASAP.

Anonymous said...

One of the things that I'm worried about getting a nanny are things similar to what happened to you. Baka di ko lang isubsob sa kalsada kung mangyari sa 'kin yan.

Mahirap na talaga maghanap ng matinong yaya ngayon :(

Anonymous said...

kainis ung yaya ha..

jho, lumipat muna ako ng e-bahay sa fingertalks.i.ph.

hope u could link me.. pansamantala lang to while i am fixing my fingertalks.com blog na mukhang next century ko maaayos wah kasi di ko alam kung ano naging problem..

tnx!

Anonymous said...

Kailangan mo na nga mahanap yung nagpasok, Jho. Nakakatakot naman yang yaya ng bunso mo. Mahirap iwan. Mabuti na lang malapit lang ang parents mo dyan.

jho said...

sa lahat - talagang dapat magpakita yung nagpasok sa akin nitong yaya. hay. good nannies are really hard to find these days

Anonymous said...

Hirap talaga pag ganyang situation no? Kung pwede nga lang samahan maghapon ang mga anak. Kaya lang syempre kailangan din mag work. Hope everything will be ok.

Anonymous said...

kids don't lie. yung yaya lang. maybe you need someone older, yung di marunong mag text.

Post a Comment