Kwento ko lang...
Kagabi nang umuwi ako Fx na hanggang Fairview Market lang ang nasakyan ko. Pagdating sa terminal point nya. Bumababa ako at sumakay uli ng FX na hanggang SM Fairview. Halos puno na yung fx na nasakyan ko at sa gitna ako nakaupo. 3 kami sa gitna isang guy tapos girl tapos ako, tapos yung sa harap may magsyota, then sa likod may 1 girl at guy.
Pagdating sa may North Fairview, bumaba yung magsyota at may pumara na lalaki. Ang pinagtaka ko, bakit dun niya isiniksik ang sarili nya sa gitna samantalang wala nang tao dun sa harapan maliban dun sa driver. Bale nasandwich kami nun girl sa gitna. AT eto pa, may isang lalaki uli na sumakay at dun naman siya sa likuran umupo... at nagtitinginan sila nun lalaki sa tabi ko..yung naman driver ay panay tingin sa rearview mirror nya.
Ginawa ko, pumara ako kahit medyo alanganin yung lugar na bababaan ko. Yun din girl sa tabi ko pumara pati yung girl sa likod. Aba! parang ayaw kami pababain!!!! Kasi parang walang naririnig yung driver. Then in unison, pumara kami at wala nagawa yung driver kundi itabi yung fx....
Then sumakay na lang ako ng jeepney papunta sa amin. Halos nakakasabay nang sinasakyan ko na dyip yung fx na binabaan ko. And guess what, parang makakilala yung mga naiwan na guys dun sa fx. At yung 2 guy na sumakay sa North Fairview, sa may kanto ng Lagro sila bumaba... mukhang nabigo sila sa amin that time kaya hahanap sila again ng ibang victims...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Kung nagkataon pala malamang holdap ang inabot nyo no?
buti pumayag silang ibaba kayo ng fx.
Post a Comment