aLL AccouNted FoR

on Thursday, February 08, 2007

Binigyan ako ng kakaibang task (as in kakaiba) sa office ngayon, kailangan ko daw magtawag sa mga tenants (around 200+) at tanungin kun ilan sa kanila ang aattend sa Feb 12 event.... Tama ba naman yun????
Kapapasok ko lang kanina at sa Feb 12 yung event at RUSH daw yun kasi kailangan makapagbigay ng number of attendees sa catering company... at dapat daw maibigay na yung name sticker by tomorrow (may iba naman officemate ko and nakaassign dun).
So siyempre, dahil kami'y hamak na empleyado lamang, kailangan sumunod... Ginawa namin (may kahati ako sa task na iyon), hinigi namin and listing ng lahat ng tenants dun sa billing dept at VIOLA! walang kahirap-hirap, nagkarun kami ng number ng aattend sa Feb 12. Ginawa namin???? Number of tenants x 2 na lang. Magpapakahirap pa kami. RUSH daw kaya RUSH din yung ginawa naming bilang. HEHEHE.
Nakakainis lang kasi, sister company lang kami, e bakit kami sa amin binigay yung ganun work???? Mega reklamo nga kami before that. Sabi nga namin, napakarami nila (from the mother company) na puwedeng gumawa nun task na yun. Rason nila BUSY daw, MARAMING pinagagawa yung BOSS, AUDIT daw. ASUS! E kami ba hindi???? Kakaninit ng ulo!

2 comments:

Anonymous said...

hindi ka naman masyadong galit, at masayang-masaya ka naman sa nangyayari sa buhay mo :) hehehe, joke lang. breathe in,.. out....

Anonymous said...

hirap talagang mamasukan no? mahirap ang may boss, buti na lang kami ni cess..kami ang boss...hahaha!

Post a Comment