isang linggong trabaho

on Thursday, February 22, 2007

Eto na ata ang pinaka matrabahong week sa buhay ko sa taon na ito.

Monday, February 19, habang nagstart ako ng bagong Financial year sa accounting system dun sa computer ko, nagfluctuate yung electricity.. ang resulta??? nawala ang files ko for the past year!!!!! kahit yung mga back-up ko ayaw mabasa! Tama ba naman yun???? Ginawa ko, dinala ko ang CPU sa Head office para baka sakaling kayang gawin ng MIS department nila... Wala pa din. Hay buhay talaga! Buti na lang at may mga print-out ako na ginawa every month sa office. So ang kailangan ko na lang i-rebuild ngayon ay yung January 2007 up to present. HUHUHU! e may deadline ako na report sa Friday.

Tuesday, February 20, pinatawag ako ng CFO namin. May ibinigay sa akin na papel at sinabi na yan ang babayaran. .. at sa FRIDAY din ang deadline... ARU! Hindi pa nga ako tapos i-update yung account nun nasirang system, eto at may bago na naman. Pag sineswerte ka talaga.

Wedensday, February 21, ASH Wednesday... syempre nagsimba ako at nagpalagay ng abo sa forehead. Pero inbetween that tintapos ko yung binigay nun CFO namin (in order of priority dapat e). Sa awa naman ni Lord, natapos ko kahapon... So yung inianan ko na pag-update nun system, natutukan ko na din.

Thursday, February 22, ngayon, continuation nun pag update nun system. Kailangan ipasok uli lahat yung mga transactions na nangyari since January 1 this year... AT dapat makapag umpisa na ako sa report ko para sa Friday deadline ko.

Friday, February 23, bukas pa ito... Naway matapos at maisubmit ko sana yung report na kailangan nila...

2 comments:

Anonymous said...

Mukhang napaaga ang semana santa mo, maagang sakripisyo sa trabaho.

jho said...

correct ka diyan ann.

Post a Comment