hay buhay... umulan na naman

on Wednesday, August 15, 2007

Suspended and classes ng mga bata ngayon... Late nga lang ina-announce ng DECS at CHED and kanilang decision. Kasi naman yung ulan hindi bumuhos ng madaling araw para mas maaga nakapag desisyon and mga kinuukulan.

Nakikiramdam din kami sa opisina kanina. Maraming late sa mga katrabaho ko. Ok lang naman yun. Talaga naman sobra ang ulan at baha. Early bird kasi ako kaya hindi ako masyadong nabaha...

Heto ang sitwasyon kanina sa lugar ng aking pinapasukan. Pasensiya na sa mga kuha, gamit ko aking telepono diyan.

sa may roxas blvd.

sa may p. ocampo st. malate

Umaraw naman. Pero bandang 1 ng hapon, bumuhos uli ang ulan. Unang abiso sa amin, 4pm pa daw kami pwedeng umuwi. Ganun!??? E ang gobyerno, 1pm pinauwi na. Asus! Ginawa ko, in-off ko na ang computer ko, sabi ko sa sarili ko bakit ko pa aantayin ang 4pm e kalayo pa ng uuwian ko... After 10mins, yung SVP na namin ang tumawag at sinabing pwde na daw kami umuwi... Yes! Grabe ang traffic sa Maynila!!!!! Pero kung sa EDSA ka dadaan, walang katrapik-trapik! pramis! Dumating ako sa amin ng mga 4:30.

Buti naman at nag announce na wala uli pasok sa LAHAT ng level ng school bukas. Hay... makakatulog din ako ng mahaba haba...

2 comments:

Anonymous said...

mukhang malakas ang ulan sa inyo jan ah. samin sa baguio umulan din buong maghapon. haay sana saming college ma-suspend din :)

Anonymous said...

buti pa sila,w alang klase, kami meron pa rin.... sa bahay lang naman kasi class namin :(

Post a Comment