Lagay

on Tuesday, April 21, 2009

"Basta ha, mama, bibili tayo ng Bakugan"

"OO. After natin magpunta sa dentist bibilhan kita"

Yan ang usapan namin mag nanay. Kasi naman, matagal ko nang binubuyo ang anak ko na patanggal yung extra niyang ngipin sa harap (known as Mesioden). Pangit kasi tingnan at umaangat yung isa niyang front tooth. Magsusungki kapag hindi inayos. Mahal ang braces ano. Kaya ngayon pa lang ayusin na.

May isa pa kondisyon. Dapat nasa tabi niya ako habang tinatanggal yung ngipin niya. Success ang extraction. Yun nga lang, pagkatapos na pagkatapos niyang bunutan, nag-aaya na sa SM kasi daw nangako ako.

Hirap talaga. Kailangan para lang mapapayag ko siya dapat may kapalit. May lagay. Tsk. Tsk.

5 comments:

dodong flores 도동 플로오리스 said...

Sinasanay mo seguro na palagi may kapalit, Hehehe...

Ganyan din yung brother ko next to me. Meron din siyang extrang ipin. Kaya pangit talaga ang itsura. Pinatanggal niya noong late 20's na edad niya dahil nahihiya siya. Ngayon, bungal na naman siya kasi ang pinapatanggal niya ay ang nakaangat na ipin at ang naiwan ay ang extrang ipin...

atticus said...

haha. ganyan talaga. iyong isang pamangkin ko sa isteyts, okay lang sa kanya pag duty niyang magtapon ng basura. pero noong bumisita ako, kailangan ko maglagay para gawin niya.

pero alam mo, natatandaan nila iyan. iyong kwento nila paglaki "nung tinanggal ang ngipin ko, dinala ako sa sm ni nanay pagkatapos..."

atticus said...

expert din sa ganyan mga pamangkin ko. but only when i'm around.

jho said...

atticus, ewan ko nga ba. noong bata ako, pag ganayan ginawa ko, sigurado, hindi ako makakalabas ng bahay. hehe

escape said...

wag lang siguro lagi. hehehe... found your blog thru atticus.

Post a Comment