Lagay

on Tuesday, April 21, 2009

"Basta ha, mama, bibili tayo ng Bakugan"

"OO. After natin magpunta sa dentist bibilhan kita"

Yan ang usapan namin mag nanay. Kasi naman, matagal ko nang binubuyo ang anak ko na patanggal yung extra niyang ngipin sa harap (known as Mesioden). Pangit kasi tingnan at umaangat yung isa niyang front tooth. Magsusungki kapag hindi inayos. Mahal ang braces ano. Kaya ngayon pa lang ayusin na.

May isa pa kondisyon. Dapat nasa tabi niya ako habang tinatanggal yung ngipin niya. Success ang extraction. Yun nga lang, pagkatapos na pagkatapos niyang bunutan, nag-aaya na sa SM kasi daw nangako ako.

Hirap talaga. Kailangan para lang mapapayag ko siya dapat may kapalit. May lagay. Tsk. Tsk.