Noong nakaraang araw, hindi kami pinauwi ng maaga.
Hindi naman daw kasi tuloy-tuloy ang ulan.
Mga 5 minuto bago kami umuwi, bumuhos ang napakalakas na ulan.
Atat na ako makauwi kaya nag pedicab ako hanggang taft.
Pag baba ko ng pedicab, sumalubong sa akin ang napakalakas na hangin.
Akala ko sa pelikula lang nangyayari yung slow motion ang movement mo.
Aba, slow motion talaga ako. Gustuhin ko man lumakad ng mabilis, hindi maaari.
Pinipigilan ng napakalakas na hangin ang aking paglalakad.
Ang kinatatakot ko lang nun ay baka may yero na lumilipad lipad at tamaan ako.
O di kaya, ako ang tangayin nun hangin.

3 comments:
HAHA! kahit ako windang noong friday ng umaga dahil sa lakas ng hangin. it felt odd being blown by strong winds like that.
tsk. grabe ang effect ng global warming. let's plant more trees.
atticus, buti sa bakuran namin maraming puno. pero dun sa vito cruz, puro matataas na condo, walang puno. yero siguro meron. hehehe
Buti naman at di ka natangay ng hangin.
Post a Comment