Happy April Fool's Day everyone!
Yngat, yngat tayo ngayon... Ako, heto at nagpapahinga para sa graduation ng aking unico hijo mamayang hapon... Kailangan maayos ang lola kasi aakyat ako ng stage para magpin ng kanyang Merit Award.
--------------------------------------------------------
Kagabi, habang kumakain ang aking anak na lalaki. Napunta kami sa topic ng graduation nila. Minention niya yung mga classmates niya na may mga awards din... May sablay nga lang siya...
Son: Ma, si ____ award niya, Most @#!lP (di ko maintindihan kasi may food pa ang bibig niya)
Me: ano? anak, ubusin mo muna yung pagkain diyan sa bibig mo
Son: (after niya lunukin) Most ...(ganun pa din)...
Me: Most Industrious?
Son: hindi! Most.... (ganun pa din) Yung mahilig magbigay...
Me: (Tiningnan yung Programme nila) ah. Most Generous! Asus! (yun pala ang generous para sa kanya, yung mahilig mamigay)
--------------------------------------------------------
Kahapon dahil sa sobrang init, andun lang ako sa may terrace... Ang ganda ng kalangitan very cloudless talaga...
Very cloudless at very deserted yung kalsada (around 3pm ata yan).
---------------------------------------------------------
Today is also Palm Sunday. Start of the Holy Week.




