excited on opening
another box?
what could this be?
After that, umiyak na nang umiyak. Kasi we were all laughing.
excited on opening
another box?
what could this be?
Labels: Christmas
On my 4th day of the simbang gabi. Konti na lang at makukumpleto ko na din... Matutupad na ang wish ko! Hurrah!!!! hehehe
May pasok pa din mga kids ko sa school. Hanggang Friday pa sila (for their xmas party).
Tomorrow will be the office party. Don't feel like attending (napilitan lang kapag umatend). Sasama lang ang loob ko, este, namin pala. Hay. That's life. Hindi lahat pwede mo makuha at pwede maibigay sa iyo (UNFAIR naman kapag ganun!).
Treat myself last Sunday sa David's... Rejoice lang yan....hehehe...
Happy Holidays to all!
My face feels rough and rashes have appeared. Why do I always have this "problem" during this time of the year???? Argh! I use facial mosturizers (Thanks to The Face Shop). They lessen the feeling of "roughness" but the rashes/"butlig" won't go away!
As usual, dami pa din ginagawa dito. (YEAR-END!) Kaya wala akong matinong post.
Labels: Sick
The call came at around 5:30pm.
Me: hello.
Mom: Nasa San ______ kami.
Me: Bakit? Sino?
Mom: Si Kulot (my youngest, aged 5) nasa e.r.
Me: What! Anong nangyari?
Mom: Nakikipag karera sa kuya niya ng bisikleta... Sumemplang, 4 stitches yung inabot nun chin niya.
Me: ano???!!!! Sino kasama sa labas ng bahay?
Mom: malapit na din kami umalis, injection-an na lang siya ng anti-tetanus.
Me: Sige.
---end of call ----
Phone call sa bahay.
Me: Hello.
Daughter: hello ma
M: anong nangyari kay kulot?
D: sumemplang po sa bike. Kasi niyaya siya ni mico magkarera
M: bakit lumabas ng bahay?
D: kasi niyaya ni ate R (yung yaya), magpapaload daw kasi siya
M: asan si R nun sumemplang si kulot? Anong ginawa niya?
D: Wala po. Kasi nagtetext po.
M: sige.
---end of call ---
When I got home nakakunot na ang noo ko. I told the yaya na "kung hindi mo kayang magpaload mag-isa, huwag ka nang magpaload! Kapag may nangyari sa mga bata IKAW ang mananagot sa akin!" Defensive si yaya. Iba ang sinasabi niya versus sa sinasabi ng kids ko. I asked all of my kids (hindi sabay-sabay to check yung consistency ng kwento nila) kung ano ang nangyari, nasan ang yaya, bakit sila nasa labas, ano ang ginagawa ng yaya. All of them told the same thing, walang ginawa si yaya, nagtetext, at hindi tinulungan yung youngest ko. Yung youngest ko pa ang tumayo at pumunta sa yaya! My other kids? Well, tinawag nila ang lolo at lola nila to tell them what happened.
Hay, kailangan ko na mahanap yung nagpasok sa amin kay yaya at ipapauwi ko na sa kanila. Baka siya ang isubsob ko sa kalsada.
Labels: Mommy issue