Flash back... last Saturday (March 10) i went on window-shopping for a bag, a big bag that i could use sa office. I saw one at an SM department store branch. New arrival daw. I thought, huwag ko muna bilhin that day. Para bang ine-excite ko yung sarili ko. I said to myself, dun sa SM branch malapit sa amin, siguradong meron din nun bag na yun...
Back to the present... I went to do my grocery today. Sakto, sale pala ngayon dito at baka nakasale din yung bag na gusto ko. So off i went to finish my task. Then I went to the cartpark area to leave my grocery bags and i proceeded to the dept store area (with all smiles sa face ko kasi i would be able to buy the bag at a lower price)
To my dismay, wala yung bag dun!!!!! I asked the saleslady kung yung lang ba lahat yung bags, she said yes. Hala, kumunot na yung noo ko. Then tinanong niya ako kung meron ba akong style na hinahanap. I told her meron and I saw it dun sa isang branch. Sheez! Hindi daw kasi lahat ng style ng bags sa ibang branch meron daw sila. GANON!!!!! Nagbakasakali pa din ako, naglibot-libot dun sa area nun bags... wala talaga. Kakainis. Kakaasar. Minsan lang ako makagusto ng bag tapos wala dun!!! Wahhhhhh! How frustrating talaga.
Last night as i was about to cross the street going to the village where i live, a teenage girl with 2 more little girls in tow (around 3-4 years old) approached me...
Girl: ate, may masasakyan ba dito papuntang alabang o bicutan?
Me: meron, tumawid kayo dun sa kabila at magantay ng bus (pointing at the direction)
Girl: saan? doon? (then bigla siyang lumakad ng konti at huminto, eh may mga dumadaan na mga sasakyan)
Me: oo doon, tatawid ka. Tumabi ka muna at baka masagasaan ka. (sumunod naman siya)
Girl: doon ba ate? doon? (sabay turo doon sa direction na sinasabi ko)
Me: (tumango na lang ako)
Then silence...
Girl: Ate pahingi naman pamasahe
Me: Pasensiya ka na, wala akong pera (sabi na nga ba at bottomline ay ito)
Girl: Para dito sa dalawang bata
Me: (umiling na lang ako)
Girl: 5 pesos ate
Me: (iling uli)
Girl: 2 pesos ate
Me: (napakunot na ang noo ko, sabay iling uli)
Silence uli
Girl: ate, ang ganda mo (then she walked away with the little girls)
As i was crossing the street, i can't help but think, dapat ko nga ba silang bigyan ng hinihingi nilang pamasahe? Am I bad kasi hindi ko sila nabigyan? Kung bibigyan ko sila, kailangan ko pa buksan ang bag ko para kumuha ng pera sa wallet (e mya naman ma-snatch yung wallet at bag ko). May pera ako sa bulsa pero medyo malaki-laki ang denomination nun. Kaya i decided na sabihin na "pasensiya na, wala akong pera".
In another instance, yung mga namamalimos sa Maynila. Hanap-buhay na ata nila yun. At gumagamit pa ng bata. Minsan, may binigyan kami na untouched softdinks sa teenager na may akay na bata (around 2 years old), then yung bata, inaagaw yung softdink, tinampal ba naman nun teenager! nagulat ako. Ang sama naman niya (yung teenager).
Then dun naman sa may Intramuros area, before may mga handicapped na naghihingi ng limos (may kasama silang nag-aalalay sa kanila). Halos everyday ay andoon sila. Though hindi namin ito binibigyan.
I pity the children, their parents are using them to ask for alms while the parents are just sitting in the corner of a street either talking with other parents or eating or sleeping, much worse, nagra-rugby. At kund wala pang naibigay, pagagalitan. Minsan gusto ko magbigay pero inisip ko, bakit sila ang dapat gumawa nito. Saan naman kaya nila gagamitin ang pera. Buti sana kung makikita ko na ibinili nila nang pagkain.
Paano mo ba malalaman kung raket ba talaga o totoo yung panghinhingi ng limos ng tao?
It's back to family minus one kami uli.
Why? Kasi umalis na uli yung sister ko and her family.
Matatagalan na uli siguro bago sila makapagbakasyon dito sa ating bayan.
Honestly, nalulungkot ako. It's been almost two years since noong una silang umalis papunta kay Uncle Sam.
Hindi ako sumama maghatid noon, i would rather stay home at isipin na andito pa sila. Mababaw kasi ang luha ko sa mga goodbyes. And the last thing that I wanted my family to see ay yung umiiyak ako.
13 days lang sila nagstay dito. Reasons for their coming back here sa ating bayan ay para sa binyag at birthday ng pamangkin ko (her youngest). Pinagsabay na nila kasi dun daw mabusisi ang simbahan kapag gusto mo magpabinyag. Napakaraming hinahanap. Whereas dito daw sa Pinas, bigay mo lang listahan ng ninong at ninang, yung Birth Certificate nang bata, pwede nang binyagan.
I'll surely miss my nephew and niece... Also my my sister. Ilang taon din kasi kami ng sister ko magkakasama dito sa bahay. Let me see, around 28 years ata. Then kinuha na sila ng husband niya. Though may internet para magkakamustahan kami, mas gusto ko yung nakikita ko sila.
Labels: Family
Two nights ago while i was on my way home (nakasakay po ako ng jeepney) I saw a "couple" kissed each other before the girl boarded the jeepney. 2nd year high school pa lamang yung girl kasi nakita ko yung number sa patch ng uniform niya... And i wondered... at that age marunong na sila nang ganun????!!!? ok lang naman ang maging affectionate ka in public pero parang napakabata pa nila to do that. That's a no-no kasi sa para sa akin.
Naisip ko mga kids ko mga 6-8 years from now... ganun din kaya ang gagawin nila? Gosh. Parang ayaw ko na ata silang lumaki. At kung pwede lang ichaperone sila every single second, gagawin ko. Hay naku... If ever na gagawin nila yung PDA thingy huwag na huwag silang magpapakita sa akin at kakaladkarin ko sila! (hehehe).
Labels: Relationship
nagde-DEPRECIATE.
RELIABLE regardless of the face and
looks dahil ang prinsipyo nito ay
laging SUBSTANCE OVER FORM.
COMPLETE, yung tipong wala ka ng
hahanapin pa kasi marunong magADJUST.
Nagbibigay ng ALLOWANCE at sa lahat ng
ginagawa nya, yung mahal nya ang
laging PREFERRED... laging inuuna.
Palaging meron appropriate DISCLOSURE
para ipakita sa buong mundo ang tunay
na pagmamahal.
Kung may samaan ng loob, nara-WRITE
OFF kaagad, kung me tampuhan, nao-
OFFSET ng pagmamahal.
Yung mga nakaraan, iyakan at
lambingan, nake-CARRY FORWARD sa next
FISCAL YEAR.
Ang pagmamahal ng isang CPA, it keeps
no RECORDS of wrong dahil merong
REVERSAL of forgiveness at CORRECTING
ENTRY kung kailangan.
Kung meron man fortuitous event dahil
sa third party, anjan parin ang pusong
nakahandang mag-AUDIT dahil ang
partnership nila ay based on TRUST and
CONFIDENCE.
Sumusunod sila sa IFRS at SARBANES-
OXLEY act pagdating sa lambingan dahil
ang bawat isa ay marunong tumupad sa
sinumpaang... none will commit the
ACTS DISCREDITABLE to the PROFESSION.
Ang bawat detalye ng suyuan at tagpuan
ay nakaRECORD sa WORKSHEET ng diary at
handang ipahayag for the sake of
TRANSPARENCY.
Kahit wala ng pera ang bawat isa, they
still say that the FINANCIAL
STATEMENTS PRESENTS FAIRLY at FREE OF
MATERIAL MISSTATEMENT.
Higit sa lahat... GOING CONCERN kung
magmahal... panghabang buhay.